Online evaluation para sa returning workers, pinalawak ng POEA

Naglabas ng guidelines ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa pagpapatupad ng pinalawak na pilot online evaluation para sa qualified returning workers o Balik Manggagawa.

Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, ang online evaluation initiative ay magsisilbing suporta sa kasalukuyang online system na na-iisyu ng Overseas Employment Certificate (OEC) exemption sa lahat ng kwalipikadong BMs.

“All BMs with previous BM online records who are not able to complete their online transaction and are queued by the system for appointment may avail of this BM online evaluation,” dagdag pa ni Olalia.


Paglilinaw ni Olalia, hindi sakop ng online evaluation ang mga dating undocumented Balik Manggagawa, mga walang BM online accounts, mga mayroong watchlisted epmployers, mga manggagawang bumalik sa restricted markets at household service workers.

“Workers not covered by this memorandum circular may set appointments for regular processing at the date and POEA processing site of their choice, subject to compliance with existing community quarantine protocols,” sabi ni Olalia.

Paalala ni Olalia, ang mga documentary requirements na isinumite bago ang appointment ay hindi tatanggapin.

Ang sakop ng pilot implementation ay mayroong kumpletong requirement na makatatanggap ng supplemental BM online evaluation.

Ang mga online submission ng returning workers na hindi sakop ng bagong memorandum ay hindi rin aaksyunan.

Ang mga OEC na inisyu sa pamamagitan ng pilot initiative ay valid ng 60-araw maliban na lamang kung pinalawig o nare-validated ng POEA Labor Assistance Center.

Ang expanded online evaluation ay ipapatupad hanggang December 31, 2020 maliban na lamang kung palalawigin, suspendihin o tapusin agad sa mas pinaagang petsa.

Facebook Comments