Nailigtas ang buhay ng isang lalaking nag-seizure habang naglalaro ng online game sa tulong ng kaibigan niyang 5,000 milya ang layo ng kinaroroonan.
Nakikipag-usap ang 17-anyos na si Adrian Jackson mula United Kingdom sa kaibigan niyang Amerikana noong Enero 2 sa kanyang kuwarto nang biglang atakihin.
Mabilis namang naisipan ng kanyang kaibigang si Dia Lathora, 21, mula Texas, na tawagan ang emergency service sa lugar ng binata.
Saka lang nalaman ng mga magulang ni Jackson ang nangyayari sa anak nang dumating sa kanilang bahay ang pulisya at ambulansya.
Ayon sa ina ni Jackson sa panayam ng Liverpool Echo, nanonood sila ng TV habang nasa taas ang anak nang mapansin niya ang awtoridad.
“They said there was an unresponsive male at the address. We said we hadn’t called anyone and they said a call had come from America. I immediately went to check on Aidan and found him extremely disorientated,” saad ng ina.
Laking pasasalamat at bilib naman ng ina kay Lathora na hindi niya inaasahang makagagawa ng paraan sa kabila ng distansya nito.
Kuwento naman ni Lathora, agad siyang naghanap ng gumaganang emergency number nang marinig niya sa headset ang tunog ng taong nagse-seizure.
“I instantly started to look up the emergency number for the EU. When that didn’t work I just had to hope the non-emergency would work, it had an option for talking to a real person … and I can’t tell you how quickly I clicked that button,” aniya.
Maayos naman na umano ang pakiramdam ni Jackson.