Babae, arestado matapos suntukin ang nobyo dahil sa pag-iwan umano nito sa kanyang aso

675

OREGON, USA – Inaresto ang 38-anyos na babae matapos nitong suntukin ng dalawang beses ang nobyo dahil umano sa pag-iwan nito sa kanyang alagang aso sa ulanan.

Ayon sa ulat, sinuntok sa mukha ng suspek na si Melissa Sue Morris ang kanyang kasintahan noong bagong taon bandang alas 6:15 pm sa loob ng kanilang bahay sa Myrtle Point.


Base sa salaysay ng biktima, nagawa ng nobya ang krimen nang iwan daw niya ang aso nito sa gitna ng ulan.

Humaharap sa ‘domestic assault’ so Morris dahil sa nangyari.

Facebook Comments