Pinapakilos ni Senator Joel Villanueva ang Bureau Of Internal Revenue o BIR at mga Local Government Units o LGUs para magsagawa ng audit sa mga online gaming corporations.
Ayon kay Villanueva, dapat mabusisi kung may permit at nagbabayad ng tamang buwis ang mga online gaming corporations.
Nais ding matiyak ni Villanueva kung sumusunod ang mga Chinese firms sa mga regulasyon ng gobyerno tulad pagpaparehistro ng kanilang mga empleyadong Chinese.
Ayon kay Villanueva, kapuna puna ang pagdami ng online gaming firms na pinapatakbo ng mga Chinese dahil sa pagiging maluwag ng Philippine Amusement And Gaming Corporation o PAGCOR, Bureau Of Immigration at Department Of Labor.
Kaugnay nito ay isang magandang balita para kay Villanueva ang pahayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez na kukulektahan na ng buwis ang swledo ng manggagawang Chinese sa bansa.
Ayon kay Villanueva, tinatayang aabot sa 2-bilyong piso kada buwan o 24-na bilyong piso sa isang taon ang makokolekta mula dito ng pamahalaan.