ONLINE JOB FAIR NG DOLE REGION 1, DINAGSA

ILOCOS REGIONĀ  – Dinagsa ng libo-libong naghahanap ng trabaho sa Ilocos Region ang unang araw ng online job fair na inilunsad ng DOLE Region 1.
Aabot sa 2, 654 na bakanteng trabaho ang maaring aplayan ng mga aplikante mula a 90 employer.

Umabot umano sa higit 8,000 na indibidwal ang nagparehistro para sa iba’t-ibang trabaho. 89 na indibidwal dito ang nahire na at 34 naman ang hired on the spot.

Sa mga interesadong indibidwal maari umanong bisitahin ang DOLE Ilocos Region upang malaman ang impormasyon kung papaano makakapagparehistro. Magtatagal ang online job fair hanggang ngayong araw, ika-2 ng Mayo.


Facebook Comments