ONLINE LABOR EDUCATION PLATFORM, INILUNSAD NG DOLE RO1

Inilunsad ang isang online labor education platform ng Department of Labor and Employment Regional Office 1 (DOLE RO1) na naglalayong magbigay ng patuloy na update at impormasyon tungkol sa mga programa at patakaran para sa mga empleyado ng nasabing ahensya.
Kabilang sa feature ng online labor education platform ang mga online session na tinawag na “ADALEN: Advocating for Digitally-Accessible Labor Education in the New Normal.”
Ang ADALEN ay hango sa salitang Iloko na ang ibig sabihin ay “to learn” o “be familiar with.” Libre naman ang mga webinar session nito na tumatakbo ng hanggang tatlong oras sa pamamagitan ng Zoom.

Layunin ng inilunsad na nasabing online labor education platform ang makapagpalawak ng kaalaman ng mga kawani ng ahensya sa mga tuntunin tulad ng general labor standards (GLS), occupational safety and health (OSH) standards, ethics and values, pati na rin ang pagiging produktibo.
Samantala, maaaring magparehistro ang mga interesadong kalahok sa ibinigay na link ng ahensya na matatagpuan naman sa kanilang page. |ifmnews
Facebook Comments