Senator Dela Rosa, naglatag ng mga katangian ng dapat italaga sa BuCor

Isang taong may prinsipyo, matapang at may konsensya ang dapat na italaga na susunod na Chief ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ang iginiit ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na dapat taglayin ng susunod na BuCor Director General.

Aniya, kung isang taong may prinsipyo, may taglay na tapang at may konsensya na hindi gagawa ng mali tiyak na hindi ito mako-corrupt o madadala sa mga iligal na gawain.


Ang mga katangiang ito aniya ang sisiguro na ang mga kalokohan sa loob ng BuCor ay tuluyang mahihinto.

Sa ngayon ay pansamantalang humalili muna kay suspended BuCor Director General Gerald Bantag ay si BuCor Officer-in-Charge Gregorio Catapang Jr.

Si Bantag ay nasuspinde at pangunahin sa sinampahan ng kasong murder sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percy Lapid.

Facebook Comments