Online learning ng DepEd, pwede nang gamitin ng mga estudyante ng ALS dahil sa COVID-19

Inihayag ng pamunuan ng Department of Education o DepEd na pwede na ring gamitin ang online educational platform ng mga out-of-school youth at adults na kasama sa Alternative Learning System (ALS) program.

Tinutuloy ni DepEd Undersecretary Alain Pascua ay ang DepEd Commons.

Ayon kay Pascua na kung dati mga regular student Lang ang nakaka-access nito, pero ngayon isinama na nila ang ALS learners.


Ito ay dahil anya sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa ngayon, mayroong 777,044 na naka-enrol bilang ALS learner sa buong bansa at umabot na ng 2,614,605 ang gumagamit na mga magaaral sa buong bansa ng DepEd Commons.

Sa pamagitan nito, aniya, makakatiyak na ligtas ang mga magaaral sa bansa sa nakamamatay na virus.

Aminado naman si Pascua na hindi lahat na mga magaaral ay may access sa internet pero patuloy naman daw na pinabubuti ang sistema nito upang maging magamit ito ng lahat ng magaaral sa buong bansa.

Facebook Comments