Online payment convenience fee para sa publiko, ibababa ng Meralco

38

Simula June 1, ibababa ng Meralco sa P15 mula P47 ang convenience fee ng mga consumer na magbabayad ng kanilang bill sa pamamagitan ng online payment services.

Ayon sa Meralco, sa pamamagitan ng online payment ay mas mapapadali ang pagbayad ng bill ng kuryente nang hindi na lumalabas ng bahay.


Nauna nang itinigil ng Meralco noong nakaraang taon, ang convenience fees dahil sa epekto ng COVID-19 sa ekonomiya.

Umapela rin ang mga mambabatas sa Meralco na ibasura ang convenience fees tulad ng pagbabayad ng kuryente online.

Facebook Comments