Dating pulis, patay sa ambush sa Marikina

99

Patay ang isang bagong retiradong pulis makaraang tambangan ito ng mga salarin na armado ng matataas na kalibre ng baril kaninang umaga sa lungsod ng Marikina.

Kinilala ni Pol. Maj. Neil de Castro, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Marikina ang biktimang si Nomer Cardines Valmonte, 46 anyos, retired police officer at nakatira sa lungsod.


Ayon sa ulat, sakay ang biktima ng kanyang Hyundai Accent na may plakang WJO-441 nang lapitan ng dalawang suspek na armado at pinalabas ito ng sasakyan tsaka niratrat ng putok.

18 tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula sa M16 riffle at 9mm pistol ang tinamo ng biktima.

Base sa inisyal na imbestigasyon sakay ang mga suspek ng Hyundai Starex van na kulay gray na may conduction sticker 8102 at isang puting van na pawang armado ng mga baril.

Blangko pa ang pulisya ng Marikina sa motibo ng pagpatay.



Facebook Comments