Online petition, inilunsad ng marine conservation group laban sa Manila bay white sand project

Naglunsad ng online petition ang environmental group na Oceana Philippines para ipahinto ang Manila Bay ‘white sand’ project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon kay Oceana Philippines Vice President Gloria Ramos, mariin nilang tinututulan ang proyekto dahil nasasayang lamang ang ginagastos na public funds para dito.

Dagdag pa ni Ramos, walang environmental impact study na isinagawa bago nila gawin ang proyekto.


May limang batas na nilalabag ang proyekto: kabilang ang Presidential Proclamation 2146 o Fisheries Code, Clean Water Act, National Cultural Heritage Act, at ang Local Government Code.

Nagbabala rin si Ramos na posibleng may pananagutan din ang mga local government officials ng lungsod ng Maynila dahil sa pagpapahintulot sa proyekto.

Kumpiyansa si Environment Undersecretary Benny Antiporda na kaya nilang ipakita sa korte na dumaan sa tamang proseso ang proyekto.

Facebook Comments