Aarangakda na sa Abril 30 ang online registration para sa national identification system.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karl Chua, ang online system ang magkokolekta ng demographic data ng mga aplikante ng National ID.
Pero kailangan aniyang personal na magtungo sa mga registration center para sa biometrics at pagbubukas ng bank account.
Paliwanag ni Chua, pabibilisin ng national ID system ang vaccination program tracking at ang distribusyon ng ayuda.
Matatandaang 2018 ng naisabatas ang Philippine Identification System (PhilSys) Act kung saan pag-iisahin na ang lahat ng government IDs.
Facebook Comments