COVID-19 Vaccination plan para sa mga kabataan, ipinahahanda na ng isang kongresista

51

Pinababalangkas na ng COVID-19 Vaccination Plan ang pamahalaan para sa mga kabataan.

Ayon ka BHW Partylist Rep. Angelica Natasha Co, mainam na mapaghandaan na nang maaga ang immunization plan para sa mga mag-aaral nang sa gayon ay matiyak na lahat ng mga kabataan ay mabibigyan agad ng proteksyon laban sa COVID-19 sa oras na maging available na ang vaccines at mabigyan na ito ng ’emergency use’.

Para matiyak ang agad na roll-out sa bakuna sa mga kabataan, inirekomenda ni Co na ang bahagi o ang buong 50% ng vaccine supply na ido-donate ng mga pribadong kompanya sa pamahalaan ay ilaan sa paaralan na nasa ilalim ng ‘adopt school programs’ ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED).


Ang mga donors naman na magbibigay ng bakuna sa mga paaralan ay mabibigyan ng malaking tax breaks sa ilalim ng CREATE Act.

Inirekomenda din ng kongresista na ngayon pa lamang ay sanayin na ng gobyerno ang mga eskwelahan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng hiwalay na bakunahan para sa flu, hepa at measles nang sa gayon ay maging mabilis ang proseso ng mass vaccination sa mga paaralan.

Sa ganitong paraan din aniya ay mapapalakas ang kalusugan ng mga magaaral laban sa mga sakit habang hinihintay ang resulta ng pag-aaral sa COVID vaccines para sa mga kabataan.



Facebook Comments