Online reporting ng mga lumalabag sa quarantine protocols, suportado ng DILG

Dinipensahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang hakbang ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield na online reporting ng mga lumalabag sa quarantine protocols.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na sa pamamagitan nito ay mahihikayat ang aktibong partisipasyon ng publiko o ng netizens sa paggamit ng social media platforms upang pangalagaan ang pangkalusugang kapakanan ng lahat.

Ayon sa kalihim, ngayong nakikita na ang flattening of the curve sa COVID-19, kinakailangang mas maging mapagbantay ang publiko upang higit pang mapabagal ang hawahan sa virus.


Sinabi naman ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na walang lalabaging karapatan sa privacy sa pagmonitor ng mga quarantine violators sa Facebook.

Aniya, kung lumalabag na ang sinuman at nagagawa pang ipangalandakan sa publiko ay tiyak na mawawala ang kaniyang karapatan sa anumang proteksyon.

Facebook Comments