Pinayagan na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang operasyon ng ilang online sabong matapos ang pagsasara ng mga casino at ilan pang pasugalan dahil sa COVID-19.
Ayon kay PAGCOR chairman at chief executive officer Andrea Domingo, magsisimula ang full commercial operations ng e-sabong ngayong Mayo.
Sa ngayon, dalawang operator pa lamang ang nabibigyan nila ng lisensya para mag-operate matapos na makumpleto ang requirements kabilang ang P75 million performance bond.
Tinatayang aabot sa P250 million hanggang P350 million ang kikitain kada buwan ng PAGCOR sa e-sabong.
Ang palitan ng piso kontra US dollar = P48.15
Facebook Comments