Online seller, nagbigti habang naka-Facebook Live

Patay sa suicide ang isang online seller, nitong Lunes ng umaga.

Batay sa ulat ng Mindanao Gold Star Daily, kinilala ang biktima na si Evangeline Delapos, 40-anyos, residente ng Brgy. Bugo, sa Cagayan de Oro City.

Ayon kay M/Sgt. Marvin Yacapin, nylon cord ang ginamit ng seller sa pagpapakamatay.


Lumabas sa imbestigasyon na ni-livestream ng babae sa Facebook ang pagbibigti.

Hindi pa nila matukoy kung ilang kaibigan o followers ang nakapanood ng naturang pangyayari.

Gayunpaman, inaalis ng Facebook ang mga bidyong labag sa kanilang “community standards” kabilang na ang pagpapatiwakal.

Nangyari ang insidente sa inuupahang bahay nito sa Phase 1, Zone 3, Villa Trinitas sa naturang barangay.

Sa natagpuan suicide note, nakalagay ang matinding problemang pinagdadaanan ni Delapos at paghingi ng paumanhin sa mga nagawa niya.

Pakiusap ng naulilang pamilya sa netizens, huwag nang ikalat pa ang video o retrato ng pagkitil nito ng buhay.

Sa mga nakakaranas ng depression, huwag mag-alinlangan sumanggi sa malalapit na kaibigan at espesyalista.

Maari din kayong tumawag sa “Hope Line” ng Natasha Goulbourn Foundation na katuwang ng Department of Health:

  • (02) 804-HOPE (4673)
  • 0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
  • 0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
  • 0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084
Facebook Comments