Kinilala ng Nueva Vizcaya PNP ang suspek na si Jacqueline Mannag, 30 anyos, online seller, at residente ng Ponce Gym Ext. Purok 5, Brgy. Don Mariano Marcos, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Bandang 3:50 ng umaga ay naaresto si Mannag sa kahabaan ng Bypass Road, Purok 5, Brgy. Bonfal East, Bayombong, Nueva Vizcaya ng mga operatiba ng Bayombong Police Station at Provincial Drug Enforcement Unit ng Nueva Vizcaya.
Nakumpiska mula sa kanya ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, Php 1,000 na ginamit bilang buy-bust money, isang fifty-peso bill, isang android cellular phone, at isang black/pink na Yamaha MIO.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, tiniyak ni PCol Evasco na patuloy ang Pambansang Pulisya sa kanilang kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa kanilang nasasakupan