Magsasaka, Dinakip sa kasong Panggagahasa sa San Mariano, Isabela

22
Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang magsasaka sa Quirino, Isabela sa bisa ng warrant of arrest matapos ang halos halos pitong taong pagtatago sa batas dahil sa kasong Panggagahasa.

Kinilala ang suspek na si Warlito Palaguitto, 66-anyos, at residente ng Brgy. Sinamar, Roxas, Isabela.

Batay sa report ng PNP San Mariano, taong 2015 nang maganap ang insidente ng panggagahasa sa biktimang itinago sa pangalang “Mona” sa Barangay Del Pilar, San Mariano, Isabela.

Pauwi na ang biktima sa kanilang barangay at dahil may kalayuan ito mula sa kabisera ng bayan ay tiwalang nakiangkas siya sa motorsiklong minamaneho ng suspek.

Habang binabaybay ng biktima at suspek ang daan ay isinagawa ang balak ng suspek sa talahiban dahil sa insidente agad na dumulog sa tanggapan ng pulisya ang biktima para iulat ang ginawang kahalayan ng suspek.

Kasalukuyang nakapiit si Palaguitto sa Quirino Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law of 1997 habang walang inirekomendang piyansa ang korte.

Facebook Comments