Online selling ng iligal na droga, mahigpit na ring binabantayan ng PDEA

22

Doble ang ginagawang pagbabantay ngayon ng PDEA laban sa mga sangkot sa illegal drugs.

Kasunod ito ng pagkakaaresto sa 17-anyos na estudyante sa Davao City na nahuling nagtitinda ng marijuana gamit ang social media.

Ayon kay PDEA-11 Regional Director Antonio Rivera, mas ibinebenta online ang marijuana dahil mas mura ito kumpara sa shabu.

Idinadaan din ng mga kabataan sa social media ang pagtutulak ng iligal na droga sa pag-aakalang hindi ito mabibisto ng mga otoridad.

Facebook Comments