RECORD ATTEMPT | World’s Longest Italian Beef Sandwich, target masungkit ng isang Chicago-based eatery

14

Chicago – Isang restaurant sa Chicago ang target na makasungkit ng world record para sa titulong Longest Italian Beef Sandwich.

Sa tulong ng mga volunteer, nakagawa ang Buona Beef ng 109-foot long Turano Bread na pinalamanan ng 75 pounds na karne ng baka!

Ayon kay John Gill, marketing director ng Buona Beef, naisipan nilang gawin ang record attempt para tulungang i-highlight cornerstone community center ang kanilang outreach work para sa mga taong walang tirahan sa Chicago.

Matapos ang record attempt, hinati-hati nila ang sandwich saka ipinamahagi sa mga taong kinupkop ng Cornerstone.

Facebook Comments