Online selling ng text blast machines, pinapa-imbestigahan sa Senado

Inihain ni Senator Leila de Lima ang Senate Resolution No. 934 na nagsusulong na maimbestigahan ng Senado ang online selling at paggamit ng text blast machines.

Hakbang ito ni De Lima sa harap ng hinala na nagagamit ito sa partisan political activities kasunod ng report sa nangyaring text blast ukol sa isang presidential candidate noong filing ng Certificate of Candidacy (COC).

Ayon kay De Lima, kasama sa legislative at oversight functions ng Senado na tiyaking nasusunod ang itinatakda ng batas ukol sa emergency alerts.


Diin pa ni De Lima, ipinagbabawal din sa Cybercrime Prevention Law ang unsolicited commercial communications.

Facebook Comments