Online shopping platforms, inulan ng reklamo kasunod ng 12.12 Christmas yearend sale – DTI

Maraming pa ring natanggap na reklamo ang Department of Trade and Industry (DTI) laban sa mga online shopping platforms.

Ito ay matapos ang pakulong 12.12 o December 12 grand yearend sale ng Lazada at Shoppee.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo – umaabot sa 1,200 ang reklamo laban sa online shopping sites ang kanilang natatanggap.


Payo ng DTI, dapat tiyaking lehitimo ang bibilhang shopping online app.

Iwasan ding mag-online shopping sa internet shop lalo na kung ipapasok ang credit card information.

Ugaliin ding suriin ang feedback mechanism at reviews.

Facebook Comments