Online transaction complaints na natatanggap ng DTI, umabot na sa halos 15,000

Umabot sa halos 15,000 reklamo ang natanggap ng Department of Trade and Industry (DTI) mula sa mga customer ng online selling platforms.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, nakatanggap sila ng kabuuang 14,869 na reklamo mula January 1 hanggang October 31 ng kasalukuyang taon.

Higit na mas mataas ito kumpara noong nakaraang taon kung saan nakapagtala lamang sila ng 2,457 na reklamo.


Karaniwan sa mga reklamo ay mali, depektibo at minsa’y kulang na produkto.

Nagmula ang mga reklamo sa dalawang pinakamalaking online selling platform sa bansa na Shopee at Lazada habang ang iba’y galing sa Facebook Marketplace.

Facebook Comments