
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Civil Registry Month, inilapit sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ang serbisyo ng National ID on site registration at ang Birth Registration Assistance Project ng Philippine Statistics Authority (PSA) Provincial Office.
Isinagawa ang aktibidad noong Pebrero 18, 2026 sa pangunguna ng pamunuan ng distrito ng kulungan, na naglalayong tiyakin na maging kabilang at makilala ang bawat indibidwal sa pamamagitan ng maayos na civil registration.
Sa isinagawang onsite activity, nabigyan ng pagkakataon ang mga PDL na makapagparehistro at makumpleto ang kanilang mahahalagang dokumento, kabilang ang kanilang Philippine National ID.. Ang inisyatibang ito ay bahagi ng mas malawak na layunin na gawing accessible ang mga serbisyong pampamahalaan, lalo na sa mga sektor na may limitadong akses sa mga ito.
Pinagtitibay ng programa ang paniniwalang bawat pagkakakilanlan ay mahalaga, at bawat tala ay may halaga—sapagkat ang maayos na civil registration ay susi sa pagkilala, pagbilang, at pagbibigay ng karampatang serbisyo sa bawat mamamayan.










