OOBLIGAHIN | Headlights ng mga motorsiklo, ipag-uutos na palaging buksan sa tuwing bumabyahe

Manila, Philippines – Oobligahin na ang mga drivers na palaging buksan ang mga headlights ng kanilang mga motorsiklo sa lahat ng oras kahit na tumatakbo ang makina nito.

Inaprubahan na rin ng house committee on transportation ang house bill 1318 o mandatory automatic headlights on for motorcycles act at nakatakdang aprubahan sa second reading sa pagbabalik sesyon.

Layunin ng panukalang ito na maiwasan ang aksidente kaya may araw man o gabi ay dapat na nakabukas ang headlight ng mga motorsiklo.


Inaatasan ng panukala ang mga manufacturers ng motorsiklo na maglagay ng mekanismo para sa otomatikong pagbukas ng headlights sa oras na pinagana ang makina nito.

Kapag napagtibay ito, gagawin na ring dalawa ang headlights ng mga motorsiklo.

Hindi naman papayagang makapagparehistro ang mga bagong motorsiklo na hindi susunod sa requirement.

Ang lalabag dito ay magmumulta ng P1,000 hanggang P5,000 pesos sa una hanggang ikatlong paglabag kasabay na ang isang buwang suspensiyon ng lisensya kapag nagpaulit-ulit ang violation.

Facebook Comments