OOBLIGAHIN | Public Service Announcements, ioobliga sa lahat ng broadcast entity

Manila, Philippines – Oobligahin ng Kamara ang Broadcast Media na maglaan ng oras o airtime para sa Public Service Announcements (PSA).

Sa House Bill 7981 na inihain ni Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Barbers, pinaglalaan ng 30 seconds airtime ang lahat ng television at radio stations para sa public service announcements bago i-ere o magpalabas ng primetime news o 20 minutes regular airtime sa buong araw.

Layunin ng panukala na maipaabot ng broadcast media sa publiko ang mga mahahalagang isyu ng bansa tulad ng drug abuse, disaster preparedness, environmental issues, welfare rights and benefits, traffic rules, public safety, physical at mental health at iba pang isyu na nakakaapekto sa pang-araw araw na buhay ng mga mamamayan.


Naniniwala ang kongresista na epektibong paraan ang Public Service Announcements o PSA para maging aware ang publiko sa mga kritikal na isyu at makapagpabago sa disiplina ng mga Pilipino.

Ang PSA ay dapat na non-commercial, non-denominational, at non-political.

Facebook Comments