Manila, Philippines – Nanawagan ng dasal si Senadora Leila de Lima kasunod ng nakitang mass o bukol sa kanyang atay.
Ayon sa Senadora, walang dapat ipag-alala tungkol sa kanyang kalusugan.
Aniya, bahagi lamang ng routine medical check-up ang kanyang pagpapa-CT scan para malaman kung kailangan siyang ma-operahan.
Makakatulong aniya ang CT scan para malaman kung benign o malignant ba ang nakitang bukol.
Nangako rin si De Lima na isasapubliko niya agad ang resulta ng kanyang CT scan bilang bahagi ng kanyang pagiging public servant.
Facebook Comments