OPAPP Director Jun Sol, pumanaw na, pakikiramay bumuhos!

Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ng itinuturing na isang Peace Advocate sa Central Mindanao at OPAPP Director Major Carlos Sol Jr.
Pumanaw si Director Sol , sabado ng tanghali matapos atakehin sa puso sa impormasyong nakuha mula sa Facebook post ni OPAPP ASec Dickson Hermoso.
Itinuturing na isa sa mga instrumento ng pagsusulong kapayapaan ang nasawing director dagdag ni Asec Hermoso.
Inulila ng 61 anyos na si Director Sol ang kanyang may bahay na si Valerie at anak na si Karla.
Kasalukuyang nakaburol sa Cumilang Residence, Brgy. Mirasol, Alamada, North Cotabato ang mga labi ni Director Sol.

PIC: Dir. Ardan Sali

Facebook Comments