OPD ng Rizal Provincial Hospital Annex 2 ng Antipolo City, mananatiling sarado

Inihayag ngayon ng Antipolo City Government na mananatiling sarado ang Outpatient Department (OPD) ng Rizal Provincial Hospital Annex 2 sa Brgy. Dalig, Antipolo City.

Ito’y matapos magpositibo sa COVID-19 ang 24 na hospital staff nito.

Sa abiso mula sa kanilang Public Information Office (PIO), hindi muna tatanggap ng mga bagong pasyente ang nasabing ospital hanggang Linggo, September 6, 2020.


Mananatili namang bukas ang Emergency Department para sa mga emergency cases na maaaring mailipat sa ibang bukas na mga ospital sa lungsod matapos lapatan ng paunang lunas o first aid.

Samantala, pansamantala ring isasara ang Operating Room-Delivery Room ng Antipolo City Hospital System Annex 4 sa Brgy. Mambugan simula bukas, September 5 hanggang September 6, habang ang OPD Services nito ay magsasara mula September 7 hanggang September 9 dahil sa mga kaso ng COVID-19 sa 18 medical frontliners nito.

Para naman sa mga mangangailangan ng hospital services, maaaring magtungo sa RPHS Antipolo Annex 1 sa may NHA Avenue, Brgy. dela Paz Antipolo City.

Facebook Comments