OPD Teleconsult Department ng PCGH, pansamantalang isinara

Pansamantalang sarado mula ngayong araw, March 25 ang Out Patient Department Teleconsult ng Pasay City General Hospital (PCGH).

Ito ay matapos na magpositibo sa COVID-19 ang 3 nurse ng nasabing departamento.

Bunga nito, isinailalim sa COVID-19 test ang lahat ng mga staff na nakasalamuha ng mga ito.


Sa abiso ni Dr. Jonvic de Gracia, ang Officer-in-Charge ng ospital, magbubukas muli ang PCGH OPD Teleconsult Dept. sa sandaling magnegatibo ang resulta ng COVID test ng mga naging close contact ng 3 nurse.

Humihingi naman ng pag-unawa sa publiko ang pamunuan ng nasabing ospital.

Facebook Comments