Pamahalaang lungsod ng San Juan, hinikayat ang private heath workers na magpabakuna

Nanawagan ngayon si San Juan City Mayor Francisco Zamora na sa mga doktor at iba pang health workers mula sa private sector na magpabakuna laban sa COVID-19.

Partikular na tinukoy ng alkalde ay ang mga health workers na nagtatrabaho sa mga medical clinic, derma clinic, dental clinic, laboratories at Hemodialysis Center.

Maaari aniya silang magparehistro sa online registration ng pamahalaang lungsod ng San Juan para sa COVID-19 vaccine at puwede rin aniyang i-scan ang QR code.


Nakatakda sa Biyernes, March 26 ang pagbibigay ng bakuna laban sa COVID-19 sa mga health workers na nagtatrabaho sa mga private sector.

Paalala niya sa magpapabakuna na magdala ng ID o Certificate of Employment upang patunay na sa lungsod sila nakatira at nagtatrabaho.

Facebook Comments