OPEN AIR CINEMA BARKADA NIGHTS, HATID AY SAYA AT KAALAMAN SA SINING PARA SA MGA MANONOOD AT KABATAAN

Roller coaster of emotions ang hatid ng Open air cinema sa pangunguna ng Pangasinan Youthcasters at pakikipagtulungan ng North Luzon Cinema Guild sa isinagawang Barkada Nights sa Cups and Berries Courtyard nito lamang ika-5 ng Mayo 2023.
Ibat ibang created film ang napanood gawa ng ibat ibang filmmakers students mula sa Dagupan at ibang karatig bayan na dinaluhan ng ilan sa kabataan at estudyante sa siyudad.
Kabilang sa dumalo ang Bise Alkalde ng Siyudad ng Dagupan, sapagkat isa sa mga pinagtutuunan pansin ng kasalukuyang administrasyon ay ang mga kabataan na suportado sa anumang ikaka unlad nila.

Ilan sa mga napanood na film ay may titulong, TULONG, Ulopan, Ilalon ag nabaligkas, I love you dough, Minas Family, Saladdung at Under the crescent moon.
Ang mga sumusunod na mga pelikula na binigyang buhay ng mga direktor at mga tauhan na naglalaman ng ilan sa lokal na kultura at pamana, relihiyon, lokal na wika, kasarian o sekswalidad, pag-iibigan at bawat estado ng mga mamamayan sa lipunan.
Layunin ng nasabing aktibidad na bigyang saya at imulat ang kaalaman ng mga aspiring filmmakers at kabataan sa larangan ng sining. |ifmnews
Facebook Comments