Las Piñas top six most wanted person, arestado sa isinagawang joint operation ng pulisya

Kasalukuyang nakakulong na ang akusado at top six most wanted person sa Station Custodial Facility sa Las Piñas City.

Matapos maaresto ng mga tauhan ng Las Piñas City Police Station, para sa buwan ng May 2023.

Kinilala ang suspek na si Rolando Barot 43 years old, nadakip mismo sa kanyang tirahan sa kahabaan ng Brgy. CAA, Las Piñas City.


Samantala, isinagawa ang joint operation ng Las Piñas CPS Warrant and Subpoena Section sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na naka-docket sa ilalim ng Criminal Case No. 20-1234, 20-1235 na inisyu ni Judge Anne Beatrice Aguana Balmaceda ng Regional Trial Court sa lungsod ng Las Piñas.

Facebook Comments