
Binigyang-diin ni House Committee on Appropriations Vice Chairperson Rep. Zia Alonto Adiong na noon pa man ay determinado na ang House of Representatives na maibukas sa publiko ang deliberasyon ng Bicameral Conference Committee para sa 2026 national budget.
Pinaalala pa ni Adiong, na sa pagsisimula pa lang ng pamumuno sa 20th congress ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez noong Hulyo ay sinimulan na ang mga hakbang o reporma para maging transparent ang pagtalakay sa budget kasama ang pagbubukas sa publiko ng BICAM proceedings.
Binanggit ni Adiong, na kabilang sa mga pagbabago na nagtatag sa transparency framework na gumagabay sa 2026 budget deliberations ay ang pagbuwag sa small committee na dating nagsasapinal sa amendments sa budget ng hindi bukas sa publiko.
Dinagdag din ni adiong ang pagpapahintulot ng kamara sa partisipasyon ng civil society groups, people’s organizations at private sector representatives sa mga budget hearings.









