Gagawing bilang virtual ‘open city’ para sa mga raliyista ang Commonwealth Avenue at iba pang lugar sa labas ng Batasan Pambansa sa Quezon City.
Ito ang ‘gracious offer’ ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa mga magsasagawa ng kilos protesta kasabay ng ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay NCRPO Chief, Major General Guillermo Eleazar – ibinigay nila ang halos lahat ng hiling ng mga lider at organizer ng iba’t-ibang group na magsasagawa ng demonstrations.
Papayagan ang anti-Duterte protester na okupahin ang southbound lane ng Commonwealth Avenue sa tapat ng St. Peter’s Church.
Para sa mga pro-Duterte ay nakareserba na sa kanila ang IBP Road.
Layunin aniya nito na maiwasan ang magbanggaan at komprontasyon ang dalawang grupo.
Halos 14,000 pulis ang magbabantay para sa seguridad ng SONA.
Kasalukuyang nasa full alert status ang pulisya.