Aklan – Binalaan ng Department of Tourism (DOT) ang mga non-compliant at non-accredited establishments na tumatanggap pa rin ng mga booking sa isla ng Boracay.
Sa abiso ng DOT inaatasan nito ang lahat ng concerned establishments na tanggalin o ihinto lahat ng kanilang online promotions.
Nakasaad din sa advisory na lahat ng Boracay Island accommodation establishments na hindi sumunod sa DILG at DENR at hindi pa accredited sa Department of Tourism (DOT) ay kinakailangang itigil ang pagtanggap ng mga room booking simula Oktubre 26, 2018, hanggang sa oras na lahat ng mga kinakailangan para sa pagbubukas ng kanilang mga establisimyento ay naayos o kumpleto na.
Sa mahuhuling lumalabag hindi anila mangingimi ang ahensya na sampahan ang mga ito ng kaso.
As of October 12, 68 hotels at resort inns pa lamang ang nasa listahan ng accredited accommodation establishments, na pinapayagan na mag-operate sa reopening ng isla ng Boracay sa darating na October 26.