Opening ng PBA Season 46 sa April 18, atrasado

Atrasado ang opening ng Philippine Basketball Association (PBA) Season 46 sa Abril 18 sa Ynares Sports Center sa Antipolo City, Rizal, matapos palawigin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa “NCR Plus” bubble hanggang Abril 11.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, kinakailangan ng PBA teams na sumabak ng dalawang linggong training bago simulan ang liga.

Pero dahil sa umiiral na ECQ, ipinagbawal ang pagsasagawa ng ensayo ng sinumang professional teams.


Inaasahan namang tatalakayin sa PBA board meeting ang bagong schedule ng opening ng liga.

Facebook Comments