Taas-presyo sa ilang produkto ng petrolyo, ipapatupad bukas

Ikakasa ng ilang kompanya ng langis ang unang taas-presyo ng produktong petrolyo sa buwan ng Abril.

Ayon sa pamunuan ng Shell, Caltex at Total , P0.65 ang madadagdag sa kada litro ng gasolina at P0.05 naman sa kada litro ng diesel.

P0.65 din sa kada litro ng gasolina ng Cleanfuel habang P0.05 naman sa kada litro ng kerosene ng Shell.


Epektibo ang nasabing taas-presyo bukas, Abril 6 ng alas 6:00 ng umaga para sa Shell at Total at alas 12:00 ng hatinggabi naman sa Caltex.

Facebook Comments