Opening parade ng Panagbenga Festival ngayong araw, kanselado

Kanselado na ngayong araw ang isasagawang parada para sa pormal na pagbubukas ng silver celebration ng Baguio Flower Festival o Panagbenga Festival.

Ito ang ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng Baguio para na rin sa kaligtasan ng publiko dahil sa banta ng novel corona virus acute respiratory disease (n-CoV ARD).

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong – pag-uusapan pa nila kung isasagawa ang grand street dancing competition, grand full parade at alumni homecoming ng Philippine Military Academy.


Ipinagpaliban din ang pag-host ng Baguio sa Cordillera Administrative Region Athletic Association (CARAA) Meet.

Tiniyak ni Magalong na walang ipapatupad na lockdown sa mga turistang na nagbabalak na umakyat ng Baguio.

Facebook Comments