Palasyo, itinangging late ang pamahalaan na tumugon sa n-CoV ARD

Mariing itinanggi ng Malacañang na nahuli ang pamahalaan sa pagtugon sa 2019 novel coronavirus – acute respiratory disease o n-CoV ARD.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – ang ilang mga protocol, gaya ng travel ban ay nakalatag na bago pa man makumpirma ang unang kaso ng n-CoV ARD sa bansa.

Maari aniyang ipatupad ng Pangulo ang travel ban sa buong China kapag tinukoy ng Chinese government ang iba pang lugar na matiding naapektuhan ng virus.


Sinabi rin ni Panelo na nasa Davao City kahapon ang Pangulo at may mga mahahalaga siyang binabasa.

Matatandaang idinaan ng mga netizen ang kanilang hinaing sa social media at nag-trending pa kahapon sa Twitter ang #oustduterte.

Facebook Comments