Opensiba laban sa NPA, ipinapabawi sa pangulo

Manila, Philippines – Umapela si Anakpawis Rep.  Ariel Casilao kay Pangulong Duterte na bawiin na utos na opensiba laban sa New People’s Army.
 
Ito ay kasunod ng nakatakdang resumption ng negosasyon sa Abril kung saan mas higit na kailangang magpakita ng respeto sa karapatang pantao ang gobyerno. 
 
Nababahala si Casilao na hanggat walang kategorikal na pagbawi sa mula sa pangulo ay isakatuparan pa rin ng militar ang pagbomba at pag-okupa sa komunidad na pinaniniwalaang pinamumugaran ng NPA.
 
Ito aniya ay taliwas sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law na nilagdaan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF noong 1998.
 
Hadlang aniya sa usapin ang all-out war ng militar laban sa NPA.
 
Sa halip na pagtugis sa NPA,  ayon kay Casilao,  dapat ay magkaroon ng mas matibay na commitment ang gobyerno sa pagpapatupad ng jasig gayundin sa pagpapalaya ng mga nakatatanda at may sakit ng political prisoners.

Facebook Comments