Opensiba ng military kontra Maute Terror Group, tuloy pa rin

Marawi City – Tuloy pa rin ang opensiba ng militar laban sa Maute Terror Group sa Marawi City.

Base sa pinakahuling tala, umabot na sa 225 na mga terorista ang nasawi sa bakbakan habang 59 na sa tropa ng gobyerno at 26 sa hanay ng mga sibilyan.

Pero bukod sa focused military operation, nakatutok din ang militar sa pagsasagawa ng clearing operations sa mga barangay na apektado ng bakbakan.


Sa interview ng DZXL-RMN, sinabi ni 4th Civil Relations Group Commander Lt. Col. Emmanuel Garcia na nasa 1, 629 na mga sibilyan na ang kanilang na-rescue mula sa Marawi.

Itinanggi naman ni Garcia ang mga ulat na hirap makapasok sa mga evacuation areas ang relief goods dahil sa bakbakan.

Tiniyak din ni Carlos Padolina, deputy program manager ng Disaster Response Assistance And Management Bureau (DREAMB) na patuloy ang ginagawang pagtugon ng DSWD lahat ng mga bakwit sa evacuation centers maging ang mga nakikitira ngayon sa kanilang mga kaanak.

Facebook Comments