Nagbalik-sigla na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa paglansag sa mga colorum ng Public Utility Vehicle (PUV) sa buong bansa.
Pinalakas pa ngayon ng ahensya ang “Oplan Lambat Bitag Sasakyan” katuwang ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) upang labanan ang kriminalidad at pagpapanatili ng kaligatasan sa mga kalsada sa lahat ng rehiyon.
Katuwang din sa operasyon ang Land Transportation Office (LTO) at Local Government Unit (LGU).
Sa LTFRB Region I, may 21 drayber na ang nahuli dahil sa iba’t ibang paglabag sa batas mula sa pagmamaneho nang walang driver’s license at paglabag sa public health safety protocols.
Habang 20 naman ang nahuli sa Cauayan, Isabela sa Region 2.
Dalawang PUV pa ang na-impound sa Angeles, Pampanga sa Region III dahil sa paglabag ng kanilang Certificate of Public Convenience.
Bukod dito, may mga PUV din ang nahuli na may iba’t ibang paglabag sa Region 4, 5, 6, 9, Davao City sa Region 11 at CARAGA Region.