MANILA – Ipauubaya muna ng Philippine National Police sa National Bureau of Investigation at Philippine Drug Enforcement Agency ang anumang operasyon laban sa iligal na droga.Ito’y matapos ipag-utos ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na itigil muna ng mga pulis ang ‘oplan tokhang’ at binuwag nito ang mga anti-illegal drugs unit sa PNPAyon kay PNP Spokesman Senior Supt. Dionardo Carlos – wala munang gagawing pre-planned operation ang mga pulis gaya ng buy-bust at raid sa mga suspected drug pushers.Bahala na muna aniya ang PDEA at NBI na punan ang maiiwang gap o iiwang trabaho laban sa iligal na droga.Ipinaliwanag ni Carlos, kailangan nilang pagtuunan ang paglilinis sa kanilang hanay mula sa mga bugok at tiwaling mga pulis sa pamamagitan ng bubuuing counter-intelligence task force.Una ng inihayag ni Gen. Dela Rosa na nasa 48,000 o 40 percent ng police force ang scalawags at nagsasamantala sa ‘oplan tokhang’ at suportang ibinibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Operasyon Laban Sa Iligal Na Droga – Ipinaubaya Na Ng Pnp Sa Pdea At Nbi
Facebook Comments