Manila, Philippines – Itutuloy pa rin ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang operasyon laban sa New People’s Army hangga’t walang ipinag-uutos na tigil-putukan ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inihayag ni AFP Public Affairs Office Chief, Marine Col. Edgard Arevalo, matapos ang paglagda ng pamahalan at National Democratic Front panels ng Interim Joint Ceasefire Agreement sa isinasagawang peace negotiations sa The Netherlands.
Sa pahayag ni Arevalo, sinabi nitong wala pang ceasefire declaration ang gobyerno, kaya hindi maglalabas ng Suspension of Military Operations o SOMO order ang pamunuan ng AFP.
Giit ni Arevalo na sa kabila nang pagpapahalaga ng militar sa pagsulong ng kapayapaan.
Hindi pa rin nila nakakalimutan ang kanilang mandato na supilin ang mga armadong grupo para ipagtanggol ang mamamayan.
Umaasa naman ang pamunuan ng AFP na mapaplantsa na ng mga negosyador ang mga alituntunin at kondisyon para sa deklarasyon ng permanenteng tigil putukan.
Nation”