Operasyon ng Cauayan City Domestic Airport, Balik-Normal na

Cauayan City, Isabela- Balik-operasyon na ngayong araw ang Cauayan City Domestic Airport matapos ang pagsasailalim nito sa community quarantine dahil sa banta ng pandemya.

Ayon sa pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nakadepende pa rin ang operasyon ng paliparan sa ipapatupad na health protocols sa mga pasahero at hindi maituturing na regular ang magiging operasyon nito.

Batay sa pakikipag-ugnayan sa pamunuan ng Cebu Pacific, maghihintay din sila ng karagdagang abiso mula sa CAAP para sa kanilang operasyon subalit kanila pa rin naman na titiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.


Sa kabila nito, mahigpit din ang panuntunan ng Inter-Agency Task Force sa lahat ng paliparan sa bansa para matiyak na sumusunod lahat ng kumpanya.

Una nang lumapag sa paliparan bandang 8:05 ng umaga ang kauna-unahang domestic flight ng Cebu Pacific makaraan ang ilang buwan na tigil-operasyon.

Habang 8:15 ng umalis ang parehong eroplano na J157 na lulan ang 37 pasahero pabalik ng Metro Manila.

Ipapatupad pa rin ng pamunuan ng airport ang paghihigpit sa mga darating na pasahero sa paliparan upang matiyak ang kondisyon ng kanilang kalusugan.

Facebook Comments