Nasa 64 na mga Hospital Staff ng Cotabato Regional and Medical Center ang isinailalim sa Quarantine ngayon, itoy ayon sa impormasyon mula sa Chief of Hospital Dra.Helen Yambao sa naging panayam ng DXMY.
Kasalukuyang nasa Isolation Center na rin ng CRMC ang mga ito at inaantay parin mula sa SMPC ang resulta ng ginawang swab test ng mga ito ayon pa kay Dr. Yambao.
Kinabibilangan ng mga Doctor, Nurses bukod pa sa iba pang health workers ang nasa Isolation Center dagdag pa ni Dr. Yambao na maaring nakasalimuha ang ilang mga pasyenteng nagpositibo sa Covid-19.
Sinasabing apat na pasyente na unang inadmit sa CRMC dahil sa ibang sakit ang nakasalimoha ng Hospital Staff na kinalaunay nadiskobre na positibo pala ang mga ito sa COVID -19 matapos makitaan ng sintomas at isinailalim sa swab test
Pansamantalang hindi rin tatanggap ng pasyente sa OPD maging ICU ang Hospital dahil sa gagawing paglilinis sa pagamutan. Mariin pang inihayag ni Dr. Yambao na yaong mga emergency cases lamang muna ang tatanggapin ng ospital.
Samntala bukod sa mga Hospital Staff, malaki rin aniya ang posibilidad na maaring naapektuhan rin angmga watchers na labas pasok sa CRMC.
Hindi pa tiyak kung hanggang kelan muling magbabalik sa normal ang operasyon ng Hospital.
CRMC PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>