Operasyon ng FA-50 fleet, grounded kasunod ng fighter jet crash sa Bukidnon

Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Air Force (PAF) ang lipad ng lahat ng FA-50 nito.

Ito’y kasunod nang pagbagsak ng isa nitong fighter jet sa lalawigan ng Bukidnon.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, grounded ang lahat ng aircraft habang isinasagawa ang malalimang imbestigasyon.

Nabatid na mayroon pang 11 FA-50 fighter jets ang PAF.

Matatandaang kanina, natagpuang wala nang buhay ang 2 piloto ng fighter jet sa Mt. Kalatungan Brgy Mirayon Talakag Bukidnon, alas-onse ng umaga.

Kasabay nito, nagpaabot na rin ang PAF ng kanilang taos-pusong pakikiramay at pangakong buong-suporta sa mga naulilang pamilya ng 2 nasawing piloto.

Facebook Comments