
Ligtas na sa banta ng avian influenza ang probinsya ng Camarines Norte.
Ito ay matapos na walang naitalang bagong kaso ng pagkakasakit sa mga alagang pato sa isang backyard farm sa bayan ng Talisay sa nakalipas na 28 araw pagkatapos ng mga isinagawang disinfection efforts ng Bureau of Animal Industry (BAI).
Disyembre ng nakaraang taon nang maitala ang isang kaso influenza subtype H5N2 December sa backyard duck farm sa Talisay.
Agad namang pinatay at inilibing ang mga apektadong pato at nagsagawa ng disinfection.
Pinaigting din ang surveillance sa pagpasok at paglabas ng mga buhay na pato sa lugar.
Facebook Comments