Operasyon ng fire command operation center, pinagana na ng BFP

Manila, Philippines – Opisyal nang binuksan ngayong umaga ng Bureau of Fire Protection -National Capital Region ang operasyon ng kanilang Fire Command Operation Center sa Quezon City.

Ayon kay BFP Regional Director Sr Supt. Ruel Jeremy Diaz ang Fire Command Operation Center ay maituturing na smaller version ng Metro Base o 911 na makakatulong sa mga fire commanders na makita at mamonitor ang buong sitwasyon sa paligid ng metro manila lalo na sa panahon ng sunog .

Paliwanag ni Diaz ang mga kagamitan at electronic equipment para sa operasyon ng Fire Command Operations Center ay donasyon ng Phil. Chamber of Commerce and Industry.


Kabilang sa mga electronic equipment na ipinagkaloob ng PCCI para sa Fire Command Operations Center ay ang 10 panel ng High End. Led monitors 10 sets ng computers at apat na sets ng Smart TV.

Facebook Comments